Calling All Filipino Forum Users

Kumusta, mga parekoys at marekoys !!

Ako ay interesadong malaman kung sinu-sino at iilan ang mga Pinoy at Pinay na bumibisita at gumagamit sa platform na ito. Wala lang. Kamustahan lang. Gusto kong malaman mga in-game names ninyo at ang inyong alyansa. Di ba nakakatuwang malaman na dito pa tayo magkakakilala at magkakausap :stuck_out_tongue_winking_eye:

Uumpisahan ko.

Ang in-game na pangalan ko ay UltraElectroMagnetic Pop (yep, hango sa album ng Eraserheads). Ang alyansa ko ay ang Pearl of the Orient Seas, o sa Tagalog ay Perlas ng Silangan (pero ang makabagong bersyon ng English ay Pearl of the Orient, pero nakasanayan ko na may Seas nung matutunan ko sya sa elementarya), na naitayo simula nung kalagitnaan ng 2018 matapos kaming lumayas sa alyansang FILIPINO ALLIANCE sa kadahilanang ang mga liderator ay hindi na aktibo sa paglalaro. Ako ay kasalukuyang nakatira sa Quezon City pero ipinanganak, lumaki at nag aral sa Davao City. Nagtatrabaho sa Philippine Statistics Authority [kung kayo ay may tanong sa usaping rehistrasyong sibil para sa Certificate of Live Birth, Certificate of Marriage, Certificate of Death, Certificate of No Marriage Record (CENOMAR o minsan, Certificate of Singleness), Certificate of Marriage Records (CEMAR o mas kilala sa Advisory on Marriages], atbpa, huwag mag atubiling itanong free of charge LOL.

2 Likes

Hello, @Ultra.

My answer is a bit on-topic and off-topic at the same time. :sweat_smile:

If only I was able to talk to you in Tagalog. :tired_face: My whole family are from the Philippines but my mum moved to Spain in 1982, three years before I was born, and she started talking to me in Spanish, so I know just a few words.

Ps: I had to use Google translator to understand the text.

3 Likes

Wow !! Really? I had an alliance member who was a former Filipino currently residing in Spain. Her in-game name was Fernando, after her minor son, who I think is half-Filipino and half-Spanish. I only knew her first name as Xriz, maybe short for Christine or Kristina. It just reminds me to message her again in Line and in Viber.

Cool to know your heritage, @Silencio.

2 Likes

Sali ako, nice thread @Ultra

Hello @Silencio ! nasa Spain ka pa rin ba?

Ako ay pinanganak sa Pinas - Manila. Pamilya ko ay taga-China. pero nasa Netherlands na ako ngayon, ako lang mag-isa, 4 years ago akong umalis sa atin at lumipat sa Europe - una France, tapos Spain, ngayon Netherlands.

3 Likes

Lagalag na bata, hahaha. Payse !! Musta jan sa Netherlands? Malamig? Kita mo jan si Joma Sison? LMAO. I am so curious of the winter and its snow. Ang galing nyo naman, nakapagmigrate kayo. May balak ka pa bumalik sa Pinas? Sang probinsya mo dito? (EDIT: Alam ko nasabi mo Manila, pero isip ko baka may iba pang probinsya pinangalingan ng pamilya mo).

2 Likes

hehe! in-assume mo mas bata ako sa iyo :wink: baka nga.

Malamig… summer na ngayon pero 18 degrees lang, madilim at maulan pa.

lol hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nakita ko si Joma…

medyo ironic, pero walang masyadong snow dito kahit winter. hindi ko alam kung dahil sa location, katabi ng dagat, baka mainit init ang hangin… mas malaki pa chances mong makaranas ng snow sa South Korea o Japan :wink: Hindi kailangang lumayo masyado.

salamat sa complliment boss! pero ikaw ang tunay na hero, salamat sa trabaho mo sa ating government, marami ka siguradong natutulungan sa mga rehistrasyon, at napaka importante nga mga iyun…

sad to say, I think hindi na ako babalik. although mahal ko ang ating kultura, pagkain, mga magagandang baybayin… mas maganda ang quality of life ko rito ngayon.

Probinsya-wise, wala, nunng nag-migrate si lolo at lola dumeretso sila sa Manila.

at kumusta naman diyan sa QC, and kumusta sya compared sa Davao? Sayang, hindi pa ako nakakapunta sa Davao… pinakamalapit na biyahe ko ay Cagayan de Oro city and Camiguin.

1 Like

Haha. I think mas matanda ako sa iyo. 1977.

Brrrrrr… nanginginig ako habang iniimagine. Pinakamalamig ko na naranasan ay sa bagyo naliligo sa umaga na walang heater, kelangan kong tumalon-talon habang pabagsak ang tubig mula sa tabo. Dahil nakasanayan, kelangan kong maligo kasi nasa isang pagtitipon ng mga student leaders. I think that was in December 26-29, 2005. Second year college ako, ipinadala ng iskul sa isang conference ng mga Rizalian sa Baguio City.

Haha. Kung ayaw mo, iwasan mo.

Yup. Balak kong pumunta either sa Japan o sa South Korea para magbakasyon. Pag nagkapera. As a rule, ayaw kong lumabas ng bansa para magtrabaho. Sa isip ko, ang serbisyo ko ay para sa kapwa Pinoy/Pinay. Pero nabreak ko yan. Ipinadala ako ng PSA sa Sabah para magprepare ng birth certificate ng mga kababayan nating anduon sa Sabah na walang sapat na documentation o yung mga nagbackdoor. Kawawa mga kababayan natin duon. Nakadalawang tour of duty ako duon last 2019. First was on May-June at yung pangalawa ay nung November-December. Ngayong ang mga embassies gustong kunin serbisyo namin sa Brunei at sa Middle East. Gusto ko sa Middle East kasi naawa din ako sa kababayan natin duon, lao nas sa mga Muslim Filipinos duon.

Di naman. Sakto lang. Nakakapagod ang trabaho. Di commensurate sa na-exert na effort both physically and mentally. Nakakapagod mag TV at mag radyo.

Nakakalungkot. Pero we go to where the grasses are greener. And I fully understand that. Just try to make sure that you re-acquire Filipino citizenship if you happen to lost it dahil nagrenouncce ka. Magiging double citizen ka. At least, when the time and circumstance require, you can return back to the country of your birth.

Ahhh. QC pa din ang may mataas na COVID cases. Wala gaanong changes, maliban sa mga nagsarang establisyemento. Maganda ang CDO and Camiguin. Pero mas maganda ang Davao. I plan to return back in Mindanao kasi walang makitang pag unlad ng Pinas, lalo na pag may kilusang gustong ihiwalay ang Mindanao sa Pinas para makacreate ng separate na state o bansa. Grabe politika dito sa Pinas. It will really force its citizen to wallow in the mud. Pero hayaan mo, madami pa namang mga nasyonalista at makabayan. Sana mabura na ang kulturang backward.

Uunga pala, patay na si former President Noynoy Aquino kanina umaga lang nang isinugod sya sa Capitol Hospital malapit sa tirahan nya sa Times Street.

1 Like

sensya na, tamad ako mag quote ng marami kaya bullet points na lang :slight_smile:

  1. mas bata nga ako, 1980s ako pinanganak :slight_smile: hello po!

  2. nice, December in Baguio! sarap e no? alala ko nga, masayang masaya na ako sa lamig ng Baguio dati… ibang standard

  3. wow, ituloy nyo po yan! lalo na sa Middle East, marami tayong kababayan na medyo at risk, hindi palaging pabor ang employment conditions nila… Mas mai-rerecommend ko ang South Korea for bakasyon at least in terms of budget, pareho silang mahal pero mas mahal ang Japan!

  4. may point… isang benefit sa E&P, pag pagod na, turn it off. pag TV, kung nanonood ng series, 30 minutes din iyan…

  5. definitely po! iyan ang plan - renounce, get the Dutch passport, then get the Philippine passport back. yung point naman for getting another passport is options lang, para wala nang sakit sa ulo with visas, para pag pinadala abroad for a meeting or conference madali lang… convenience, pero of course ang puso’t diwa ko ay Pinoy pa rin

  6. agree po ako. Grabe ang pagiging factionalistic natin sa Pinas. nalulungkot ako. umaasa pa rin ako sa pagbabago… sigurado nga ako na mas safe and better quality of life mo sa Davao…

  7. onga, nung nagising ako rito punung-puno ang news feeds ko about it. A moment of silence and kaunting dasal…

2 Likes

Ahh. Haha. Ibig kong sabihin, I was interviewed several times sa TV o sa radyo para sa usaping civil registration at kung paano bigyang solusyon mga problemang naencounter.

1 Like

oops, salamat sa clarification! haha! hindi ko naisip iyun, but congrats for being a (semi?) public figure… mas nakakatulong nga din ang face value. mas naiintindihan at naaappreciate, lalo na sa culture natin :wink:

2 Likes

Yes. I grew up here and I work here as well. I was in different European countries (just for tourism) and, in fact, the Netherlands is a country to which I’d like to go (my boss, who’s Dutch, always recommend me it).

3 Likes

Nice! It’s quite easy travelling around in Europe… I’m looking forward to visiting more countries when travel opens up again.

I lived in Barcelona for four months… beautiful city, delicious food. Was lucky enough to visit Madrid and Valencia also, both were great. I want to see more of Spain too.

3 Likes

Hello makigulo lang sa inyo.
TGX of Legends of Space alliance. Also a beta tester
Batang QC rin gaya ni Ultra.
Batang 80s.
Kamusta sa inyo mga kabayan

3 Likes

Hi, TGX. Musta ka, amigo. San ka sa QC? Nasa Muñoz ako.

1 Like

Barangay mariana bro. Lapit lang sa scout area and st lukes qc.
Ayos lang, trying to keep interested in the game. Andaming events eh :joy:

1 Like

Uu, anak ng tipaklong. Ubos nga flasks ko sa kakakayod ng lahat ng events. Grabe !!

Alam ko lugar ninyo. Minsan dumadaan kami jan sa may maliit na tulay para makapunta sa St. Lukes QC, bale backdoor instead na dumaan sa E.Rod.

1 Like

Yeah mapit ako dun. Banda gilmore area :+1:
Ikaw na ata pinakamalapit sa akin na pinoy player.
Though konti lng nakalalaro ko na pinoy since im in an international alliance.
Nakikigulo lang minsan sa gc sa mga pinoy pag wala makausap

1 Like

Yep. Nagkikitaan tayo ng pangalan sa local leaderboards. International din alliance ko, medyo may iilang pinoy, pero dominant pa din mga banyaga. Meron akong kasabay sa jeep na E&P player. Katabingkatabi ko. Nakita nya nilalaro ko sa jeep. Gusto niya akong kausapin para irecruit nya sa alliance. Nung nalaman nya in-game name ko, sabi nya, wag na daw ako irecruit. Ako daw pala ang Leader. LOL. Natuwa ako at nakilalala ko si Fr. Mon Bumatay sa jeep. lolz

1 Like

Sige makabisita nga if makalabas ako ng alliance.
Ano ingame ni fr? Ang galing naman at nakachamba ng e&p player sa jeep

1 Like

monbumatay. Yeah. Sa kanya nga mga kasamahan, both Pinoys and foreigners, nagpapadasal in case meron sila, or kaanak nila, na may sakit. Nung kasagsagan ng COVID last year, andami ng request.

1 Like

Cookie Settings